Ako’y litong-lito kung ano ang gagawin
Sa buhay kong ito anong mararating
Maliit ang sinasahod, kulang pa sa tsibog
Katawan ko sa trabaho ay bugbog
* Sobrang tuso ng amo ko pare
Barat kung magpasweldo kahit sobra ang trabaho
At ang mga benepisyo’y laging atrasado
Dumating man patay na ang kabayo.
Panay-panay ang overtime, wala nang time mag-good time
Patong-patong pa ang utang na babayaran
Listahan sa tindahan ay walang katapusan
Sana ang sahod ko’y madagdagan
Ngunit
Ulitin *
Lagi akong nagsisimba at sa trabaho’y matiyaga
Wala ring kalokohang ginagawa
Tulad din ng amo ko, nagsisimba tuwing linggo
Pero bakit siya lang ang umaasenso?
Dahil
Ulitin *
No comments yet.