Hindi ko akalaing totoo pala ang isyu ng komersyalisasyon
Plano pa lamang daw ngunit ginagawan na ng aksyon
Ayan ngayon nagtaas ang bayarin sa laboratoryo
Pati ang mga serbisyo doon sa dormitoryo

Maliit ang badyet ng gobyerno para sa edukasyon
Pambayad utang muna raw at militarisasyon
Kaya tayo na naman ang pahihirapan nito
Pati ang gobyerno ay umaayon sa programang ganito

* Hindi inilalako ang edukasyon
Kaya tutulan ang komersyalisasyon
O, tutulan ang komersyalisasyon

Isko ng bayan bakit sobra ang mga binabayaran
Pangakong libreng pasilidad nagayon ay nasaan?
Magkamal ng kita ang interes ng administrasyon
Kaya parang gulay inilalako itong edukasyon

Ulitin *

Ito’y hindi hiwalay na isyu ng pamantasan
Bunga lamang ito ng matinding krisis sa lipunan
Hindi tayo mananahimik sa ganitong kaayusan
Pinatunayan ng kasaysayan lumalaban ang sambayanan

Ulitin *

No Comments Yet

No comments yet.

Comment on the Song

Please fill up the required fields in order for your comments to get sent. We will never sell any personal information you provide in our site. Avoid profanities and other derogatory terms. We reserve the right to delete comments that we feel do not abide by our simple rules.


Subscribe without commenting