Si Lina ay isang magandang dalaga
Panggabi sa isang pabrika ng tela
Sumapi sa unyon, sumama sa welga
Biglang nagkagulo, nawala si Lina
Nang muling makita’y hubad at patay na

Halina, halina
Damitan ang bangkay
At sa ating puso’y
Hayaang humimlay si Lina

Isang magsasaka si Pedrong Pilapil
Walang kaulayaw kundi ang bukirin
Ngunit isang araw, may biglang dumating
Ang saka ni Pedro’y kanilang inangkin
Tumutol si Pedro at siya ay binaril

Halina, halina
At sa ating puso’y
Hayaang maghasik
Ng punla si Pedrong Pilapil

Sina Aling Maria’y doon nakatira
Sa tabi ng isang bundok ng basura
Ngunit isang araw, binuldoser sila
Sapagkat darating ang mga turista
Nawalan ng bahay ang isang pamilya

Halina, halina
At sa ating puso’y
Ipagtayo ng tahanan
Sina Aling Maria

Halina, halina

No Comments Yet

No comments yet.

Comment on the Song

Please fill up the required fields in order for your comments to get sent. We will never sell any personal information you provide in our site. Avoid profanities and other derogatory terms. We reserve the right to delete comments that we feel do not abide by our simple rules.


Subscribe without commenting