Nilisan mo man itong daigdig
Tinig mo’y patuloy na maririnig
Lulan ng mga himig mong alay
Na lipos ng pag-ibig
Pag-ibig sa bayang sa’yo’y nagluwal
At sa manggagawang labis mong minahal
Tulad mo ay ‘di malilimot
Habang kami ay narito
Marami pang dapat imulat kasama
Lipuna’y puno ng problema
Sa paghinto ng tibok ng puso mo
Kami ang magpapatuloy
Marami pang dapat imulat kasama
Lipuna’y puno ng problema
Sa paghinto ng tibok ng puso mo
Kami ang magpapatuloy
Nilisan mo man itong daigdig
Tinig mo’y patuloy na maririnig
Lulan ng mga himig mong alay
Na lipos ng pag-ibig
Marami pang dapat imulat kasama
Lipuna’y puno ng problema
Sa paghinto ng tibok ng puso mo
Kami ang magpapatuloy
Marami pang dapat imulat kasama
Lipuna’y puno ng problema
Sa paghinto ng tibok ng puso mo
Kami ang magpapatuloy
Pag-ibig sa bayang sayo’y nagluwal
At sa manggagawang labis mong minahal
Tulad mo ay ‘di malilimot
Habang kami ay narito
Tulad mo ay ‘di malilimot
Habang kami ay narito
Tulad mo ay ‘di malilimot
Habang kami ay narito
No comments yet.