Kahit kay haba ng lalakbayin
Daang tag-araw man ang humagupit
Kahit ilang libong tag-ulan ang sumapit
Hinding-hindi tayo titigil

Dahil mithi nati’y palayain
Bawat isa sa pagkaalipin
Sa gitna man ng gutom, kahirapa’t pasakit
Hinding-hindi tayo susuko

* Kahit na may bagyo , kahit na may unos
Kahit may libu-libong kaaway
Kahit na magapi at isa ang matira
Sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka
Sambayanan ay muling babangon
Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig

Kahit hadlangan ng libong armas
Ang ating hukbo ay hindi aatras
Lakas ng masa ang ating sandigan
Saan mang laranga’t digmaan

Ulitin * 2x

Ipagtatagumpay ang bawat labanan
Sa buong daigdig

No Comments Yet

No comments yet.

Comment on the Song

Please fill up the required fields in order for your comments to get sent. We will never sell any personal information you provide in our site. Avoid profanities and other derogatory terms. We reserve the right to delete comments that we feel do not abide by our simple rules.


Subscribe without commenting