Sumibol sa isang panahong marahas
Bawat pagsubok ay iyong hinarap
At hangga’t laya’y di pa nakakamtan
Buhay mo’y laging laan
Namumukadkad at puno ng sigla
Tulad mo’y rosas sa hardin ng digma
At di maiwasang sa’yo ay humanga
Ang tulad kong mandirigma
* Ako’y nangangarap na ika’y makasama
Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa
Hinding-hindi kukupas, di malalanta
Ang kulay mong angkin, sintingkad ng dugo
Nagbibigay buhay sa bawat puso
Tinik mo’y sagisag ng tapang at giting
Sa langara’y kislap ng bituwin
Gaya ng pagibig na alay ko sinta
[...] is in my MP4 player. My personal favorites are I Could Have Said, Sa Duyan ng Digma, Kahit Kailan, Rosas ng Digma and Ang Tugon (in that particular [...]
[...] [Ulitin * 2x] [...]
[...] Rosas ng Digma [...]