Bawat sandali nitong buhay nating maikli
Ibig ko laging sabihin na kita’y minamahal
Di sa lahat ng panahon magkatabi’t magkaakbay
Darating din ang araw tayo ay mawawalay
Kahit kailan, kahit saan
Mananatili ka sa puso ko
Ang pagibig nating dalawa patuloy na magliliyab
* Itong ating nadarama ay dalisay at payak
Isang pagibig na sumibol sa marahas na panahon
Panahong hindi malaya, katarunga’y di tapat
Pangyayaring di tumutugma sa buhay nating pangarap
** Kahit kailan, kahit saan
Pakikibaka’y di mapigilan
Ang sigaw ng ating puso baguhin ang mundo
Kahit kailan, kahit saan
Tagumpay man o kabiguan
Ang pagibig nating dalawa hangad ay paglaya
Ang pagibig nating dalawa hangad ay paglaya
[...] entire album is in my MP4 player. My personal favorites are I Could Have Said, Sa Duyan ng Digma, Kahit Kailan, Rosas ng Digma and Ang Tugon (in that particular [...]