Ihaharap kita sa bandilang pula
Tanda ng aking di magmamaliw na sumpa
Sayo at sa pakikibaka
* Pagmamahal, pagkaiingatan
Kagaya ng nakitang pagpapahalaga
Sayo at sa pakikibaka
** Hindi mag-iisa pagkat laging magkasama
Ang ating pagsuyo’y bahagi ng iisa
Ikuyom ang mga bala sa ating mga palad
Saksi ang mga masa sa ating paglalahad
Na hindi mag-iisa at palaging magkasama
Ang ating pagsuyo’y bahagi ng iisa
No comments yet.