* Usok, usok
Halos di makahinga sa kapal ng
Usok, usok
Parang hihikain sa dumi ng
Usok, usok
Usok na nakakalason

Isang araw ako’y nag-aabang ng sasakyan
Sa Cubao patungo ng Baclaran
Nang biglang sa harap ko’y humarurot ang sasakyan
At ako’y binugahan ng

Usok, usok
Halos di makahinga sa kapal ng
Usok, usok
Parang hihikain sa dumi ng
Usok, usok
Usok ng sasakyan

Isang araw ako’y nakasakay sa lumang jipney biyaheng Recto
At gitara lang ang bitbit
Nang ang mama sa tabi ko’y nagsindi ng sigarilyo
At pasahero’y binugahan ng

Usok, usok
Halos di makahinga sa kapal ng
Usok, usok
Parang hihikain sa dumi ng
Usok, usok
Usok ng sigarilyo

Abot-tanaw ko sa aking paglalakbay
Via EDSA patungong Alabang
Ang tsimineya ng mga pabrika’y patuloy na sumusuka’t
Buong lungsod ay binugahan ng

Ulitin *

Usok, usok
Usok, usok
Usok, usok

No Comments Yet

No comments yet.

Comment on the Song

Please fill up the required fields in order for your comments to get sent. We will never sell any personal information you provide in our site. Avoid profanities and other derogatory terms. We reserve the right to delete comments that we feel do not abide by our simple rules.


Subscribe without commenting