Sira-sirang lansangan
Hikang mga sasakyan
Sa gabi’t araw na digmaan
Makapal na usok ang iniwan
Mga tulay na marurupok
Gusaling nabubulok
Ilog na di umaagos
Puno ng basura’t alikabok
* Ikaw lamang, wala ng iba
Sa dibdib mo ipipikit ang mata
Tahanan ng aking kamusmusan
Maynila
May dalang sakit ang hangin
Ang dagat ay kulay itim
Wala nang isda sa ilog
Wala na ring ibon sa langit
Ulitin *
No comments yet.