* Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dalawa ay unang magkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nagsimulang
Managarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inaalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan

Ulitin *

Ngayong ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa

** Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan

Ulitin *

Ulitin **

Ulitin *

No Comments Yet

No comments yet.

Comment on the Song

Please fill up the required fields in order for your comments to get sent. We will never sell any personal information you provide in our site. Avoid profanities and other derogatory terms. We reserve the right to delete comments that we feel do not abide by our simple rules.


Subscribe without commenting